Umaaray ang ilang magsasaka sa Alaminos City dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng abono, binhi at ilang farm inputs kaya nahihirapan umano sila na tustusan ang panggastos sa pagtatanim ng palay.
Natalakay ang naturang usapin sa pagdinig ng Sangguniang Panlungsod katuwang National Food Authority Eastern Pangasinan na layong masolusyunan ang hinaing ng mga magsasaka partikular sa presyo ng palay.
Kabilang pa sa inungkat ng mga magsasaka ang full capacity ng mga bodega ng tanggapan upang makatulong sa kanilang kita. Ayon sa NFA, nasa limang porsyento lamang ang absorptive capacity para sa produksyon ng palay sa buong bansa.
Nasa 500,000 bags ang target na palay procurement ng tanggapan mula sa Pangasinan.
Nakatakda pang talakayin sa susunod na pagdinig ang iba pang solusyon ukol sa mga nabanggit na usapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









