Ilang Magsasaka sa Nueva Vizcaya, Nabigyan ng CLOA mula sa Agrarian Reform

Cauayan City, Isabela-Personal na ibinigay ni Agrarian Reform Secretary Atty. John Castriciones ang Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) sa mga benepisyaryo nito sa Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya, Enero 18.

Partikular na ibinigay ang CLOAs sa farmer-beneficiaries habang ang capital assistance ay iginawad sa tatlong (3) clusters sa Sitio Palayan sa naturang barangay.

Ang CLOAs ay isang dokumento na nagpapatunay ng legal na pagmamay-ari ng lupain na ibinigay ng DAR kaakibat ang ilang kondisyon sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na kamakailan ay sinang-ayunan rin ng Korte Suprema.


Ilan sa mandato ng Department of Agrarian Reform ay ang probisyon sa land tenure security services para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng land acquisition at distribution; leasehold arrangements implementation at iba pang land tenure improvement services.

Dumalo naman ang ibang kinatawan ng DAR gaya nina USec. Atty. Emily Padilla, USec. Virginia Orogo, Exec. Assistant Atty. Juan Lorenzo Maria Castriciones, Asec. Ubaldo R. Sadiarin Jr., Regional Director Samuel Solomero, at PARPO Dindy Tan.

Pinangunahan naman ang nasabing seremonya ni Vice Governor Jose “Tam-an” Tomas, Sr., Board Member Roland Carub, Atty. Edna Baguidudol, dating NCIP Provincial Director Victor Calingayan at Congresswoman Luisa Cuaresma.

Facebook Comments