Ipinaabot online ng ilang residente at magsasaka sa Umingan ang kanilang reklamo sa naging distribusyon ng binhi dahil sa umano’y hindi patas at hindi organisadong aktibidad.
Ayon sa ilan, magulo umano ang pila at siksikan ang mga benepisyaryo kaya nahirapan ang mga nagsasakang senior citizens dagdag pa ang init ng panahon.
Ilan naman ang nagsabi na mula 2019 pa hindi nakakatanggap ng libreng binhi kahit pa umano pasok sa kwalipikasyon at rehistrado sa RSBSA.
Suhestiyon ng mga ito, ang pamamahagi sa kada cluster upang hindi magsabay sabay ang mga benepisyaryo at maiwasang maulit ang siksikan.
Umaasa ang mga ito na magiging mas maayos ang proseso sa susunod na distribusyon.
Kasalukuyan pang kinukuha ng iFM News Dagupan ang pahayag ng lokal na pamahalaan ng Umingan.









