Ilang magsasaka, umapelang itaas sa 20 pesos ang kada kilo ng bagong aning palay

Hiniling ng ilang magsasaka sa Nueva Ecija na itaas sa 20 pesos ang bentahan ng kada kilo ng bagong aning palay.

Sa ngayon kasi, nasa 13 pesos ang bentahan nito kada kilo batay sa survey ng Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas habang 15 pesos naman sa kada kilo ng pinatuyong palay.

Daing ng mga magsasaka, luging-lugi sila dahil mas malaki ang ginagastos nila sa pagtatanim nito dahil sa mababang bentahan nito.


Pinag-aaralan na ito ng Department of Agriculture (DA) habang namamahalan naman ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa 20 pesos na presyo sa kada kilo ng bagong aning bigas.

Ayon sa SINAG, nasa 17 pesos ang karaniwang bili ng mga trader para rito at 20 hanggang 21 pesos para naman sa mga sumailalim na sa drying process.

Facebook Comments