ILANG MAGULANG SA DAGUPAN CITY, DOBLE BANTAY SA KANILANG MGA ANAK KASUNOD NG MGA KRIMEN NA KINAKASANGKUTAN NG MGA MENOR

Nagpahayag ng saloobin ang ilang magulang sa Dagupan City ukol sa pagtitiyak ng seguridad at pagbabantay ng kanilang mga batang anak bunsod ng mga balitang krimen sa bansa kung saan nasasangkot ang mga menor de edad.
Ani ng ilan, nakatutulong sa kanilang paglalagay ng mga cctv sa kanilang mga tahanan upang mabantayan ang galaw ng anak pati ng mga taong nagpupunta sa kanilang mga bahay.
Dapat rin umanong matutukan ang mga nakakasalamuha ng mga bata dahil maaaring makaapekto rin sa kanilang ugali at kilos ang kanilang mga nakakasama.
Ang iba naman, lagi umano nilang tinatanong kung saan nagpupunta o di kaya ay hindi na pinapayagan pang umalis ng dis oras ng gabi upang hindi na masangkot sa disgrasya.
Samantala, tiniyak naman ng hanay ng kapulisan sa Dagupan City ang mahigpit na pagpapatrolya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments