Hati ang opinyon ng ilang mga magulang sa usapin ng pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang sa Lungsod ng Maynila.
May ilan sa kanila ang nangangamba na kung mapaano ang kanilang mga anak tulad ng nangyari noon sa isyu ng dengvaxia.
Pero may mga magulang naman na pabor sa pagbabakuna sa mga kontra COVID-19 tulad na lamang na nakausap na na si Ginang Maribel Delos Angeles.
Sa ngayon, nasa 11,281 ang nagparehistro mga bata edad 5-11 taong gulang ang nagparehistro sa Lungsod ng Maynila habang nasa 186,302 ang nasa edad 12-17 taong gulang.
Base pa sa datos ng Manila LGU, nasa 138,494 na mga menor de edad ang naturukan na ng first dose at 120,036 sa ang nakakumpleto na ng bakuna.
Facebook Comments