Sa inilabas na advisory ng DepEd, magsisimula ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa sa darating na Agosto 29, 2023.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa ilang mga magulang sa Pangasinan mayroong mga tutol at pabor sa nasabing pagbubukas ng pasukan.
Para kay Nanay Sonia Callanta na may tatlong anak, mas mainam umano ang Hunyo upang may panahon pang makapag-ipon.
Iba naman ang pananaw dito ni Tatay Makoy na pabor at mas mainam daw ito upang di na nakatambay ang mga anak nitong high school…
Samatala, ang nasabing kautusan mula sa Department of Education ay magiging mandatory sa mga pampublikong paaralan at magiging optional naman sa mga private schools na may options na mag-simula ng klase sa unang Lunes ng Hunyo o hindi na lalampas ng buwan Agosto.

Facebook Comments