Nananawagan ang ilang mga magulang mula sa Brgy San Juan, Umingan ng aksyon mula sa gobyerno ukol sa posibleng mga pamugaran ng lamok na nagdudulot ng dengue.
Sa ibinahaging saloobin ng isang concerned resident sa IFM News Dagupan, mayroon umanong ilang bahagi sa barangay na may mga nakaimbak na tubig dulot pa ng nagdaang mga bagyo.
Pangamba umano nila ang kaligtasan ng kanilang mga anak lalo at mayroon umanong nabiktima ng dengue kamakailang sa kanilang barangay.
Samantala, sa pinakahuling datos na nakuha ng IFM Dagupan sa kinauukulan, kabilang ang bayan ng Umingan na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng kaso ng dengue, na nasa 204 kaso.
Sa lalawigan ng Pangasinan, pumalo sa 3, 269 ang bilang ng kaso ng nasabing sakit mula Enero hanggang nitong Hulyo 2025 kung saan pinakamarami ay sa Rosales sa305, San Manuel sa 181, Asingan sa 159 at Mangatarem sa 144. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









