Nabigyan ng pangkabuhayan ang 101 na mahihirap at walang trabahong mga residente ng Lungsod ng Quezon.
Ayon kay Cecilia Tiamson, Punong Barangay ng Barangay Paligsahan, isa sa mahigit isang daang barangay ng nasabing lungsod na benepisyaryo ng nasabing programa, na Ito ay malaking tulong sa mga pamilyang walang hanap-buhay.
Sinabi naman ni Ernie Paranis ng Rotary Club Camp Crame, tinawag nilang Bike hanapbuhay ang nasabing livelihood program.
Aniya, pumili ng isang benepesyaro mula 101 na Barangay ng Quezon City na inadopt ng kanilang Rotary.
Isinagawa ang turn over ceremony sa Barangay Paligsahan, Lungsod ng Quezon, Kung saan, magsasagawa rin sila ngayong araw ng Medical, Dental, at Bloodletting activity na tatagal hanggang mamaya ng alas-4 ng hapon.
Pahayag no Paranis, ang kanilang programa ay alinsunod sa pagdiriwang ng world understanding at peace day.