ILANG MALALAKING PROYEKTO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, TUTUTUKAN

Nagbigay alam ang gobernador ng lalawigan ng Pangasinan ang mga hakbangin, direksyon at plano nila kasama ang mga empleyado nito para makapag serbisyo ng totoo at maayos sa kanilang mga kababayan.
Ani ng Gobernador, hindi lamang dapat sila sa maliliit na bagay nakatuon nang pansin kundi magbigay rin ng sapat na panahon at resources sa kanilang mga proyekto na magbibigay ng magandang resulta para sa lahat ng kanilang nasasakupan.
Kabilang na sa mga proyektong ito ang pagsasagawa ng mga daan, paliparan at negosyo para makahikayat ng mga investor.

Dagdag pa ng gobernador ng lalawigan, ang hangarin na ito ng pamahalaang panlalawigan ay magkakaroon ng magandang resulta pagdating sa pamumuhunan, trabaho, imprastraktura at oportunidad kung uumpisahan mismo sa paligid ng capitol complex. |ifmnews
Facebook Comments