Ilang mamahalang sasakyan, nasabat ng PNP-HPG

Nasamsam ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ilang mamahaling sasakyan sa kanilang operasyon.

Nitong Sept 4, naharang ng HPG Special Operations Division ang tangkang bentahan ng dalawang luxury vehicles sa halagang masyadong mababa at may kahina-hinalang papeles.

Kabilang dito ang isang black GMC Yukon Denali 2023 model at isang white Porsche Boxster 718 2022 model.

Dahil bigong makapagsumite ng wastong dokumento ang mga nag-aalok, agad kinumpiska ang mga sasakyan.
Habang nitong Sept 6 naman, sa Cavite, nasabat ang isang red Chevrolet Camaro na walang dokumento at rehistro.

Sa datos ng PNP-HPG madalas na ginagamit ang mga luxury vehicles at SUV ng mga sindikato bilang pantakip sa mas mabigat na krimen tulad ng kidnapping, smuggling, at drug trafficking.

Facebook Comments