Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng mga dating kasamahan sa Minority Group da Kamara ni incoming Presidential Spokesman Harry Roque ang kanilang pagkadismaya sa pagtanggap nito sa bagong posisyon.
Sa simula pa lamang, duda na si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga posisyon ni Roque sa ilang mga isyu sa kongreso sa kabila ng pagkakahirang sa kanya bilang deputy minority leader.
Nagtataka rin si Lagman kung bakit hindi binabatikos ni Roque ang mga Human Rights Violations ng kasalukuyang administrasyong gayung isa siyang human rights lawyer.
Maging ang pagpabor ni Roque sa Martial Law Extension ay hindi din katanggap-tanggap kung saan hindi rin nila nagustuhan ang naging boto nito na bigyan lamang ng P1,000 budget ang Commission on Human Rights.
Sa huli, sinabi pa ni Lagman na lumabas rin ang tunay na kulay ni Roque na dating mambabatas.