Ilang mambabatas, hiniling kay Pangulong Duterte na pulungin ang National Security Council kaugnay sa banta ng paglulunsad ng North Korea ng missile sa Guam

Manila, Philippines – Hinimok ng mga mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na pulungin ang National Security Council (NSC).

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – ito’y kaugnay sa gitna ng banta ng North Korea na pasasabugan nila ng missile ang teritoryo ng Amerika na Guam kung saan maraming nakatirang Pilipino.

Sinabi naman ni Marciano De Borja, Philippine Consul General sa Guam – bahagya nang humupa ang pagkabahala ng mga Pinoy sa Guam.


Tiniyak naman ni De Borja sakaling bombahin ng North Korea ang Guam, may kakayahan naman ito para depensahan ang sarili gaya ng Counter-Missile Defense System.

Facebook Comments