Ilang mambabatas, umapela na luwagan ang mga paghihigpit sa mga senior citizens sa ilalim ng ECQ at GCQ guidelines

Ipinare-rekonsidera nina House Committee on Labor and Employment Chairman Eric Pineda at House Committee on Senior Citizen’s Affairs Chairman Francisco Datol ang pagbabawal sa mga nakatatanda na lumabas ng bahay sa ilalim ng General at Enhanced Community Quarantine.

Batay sa inilabas na guidelines ng gobyerno para sa ECQ at GCQ, bawal ang senior citizens na lumabas ng bahay.

Katuwiran nina Pineda at Datol, marami sa mga senior citizen ay malalakas pa naman at kayang magtrabaho o aktibo sa negosyo.


Hindi anila kailangang lubusan silang pagbawalan na lumabas dahil lamang sa kanilang edad.

Giit ni Datol, marunong din namang magingat at sumunod ang mga lolo at lola sa social distancing.

Hindi anya dapat ikulong ang mga ito sa bahay lalo na iyong mga nag-iisa na lamang sa buhay dahil mas lalong makasasama ito sa kanilang kalusugan.

Sa panig ni Pineda, dapat meron anyang exemptions para sa seniors na wala namang delikadong kondisyon.

Facebook Comments