Ilang Mamimili, Inireklamo ang Isyu ng ‘Double Parking’ sa Private Market ng Cauayan

67

*Cauayan City, Isabela*- Nananawagan ang ilang mamimili ang isyu ng ‘Double Parking’ sa ilang bahagi ng Pamilihang Lungsod ng Cauayan dahil sa matinding abala nito sa lahat ng taong dumadagsa upang mamili.

Ayon kay Ginoong Lloyd Ramos, negosyante at isa sa mga apektado ng nasabing double parking dahil na rin sa masikip na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.


Inilarawan din ni Ginoong Ramos na ang sitwasyon sa mga lugar sa palengke ay isang kanser na unti-unting sisira sa kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon.

Hiniling naman nito sa Lokal na Pamahalaan na doblehin sana ng tanggapan ng Public Order and Safety Division (POSD) ang paghihigpit sa mga pangunahing lansangan sa lungsod partikular sa pribadong pamilihan sa lungsod.

Facebook Comments

From Advertisers