Hindi kasali sa small business wage subsidy program ng pamahalaan ang ilang uri ng manggawa.
Sa virtual presscon ni Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nilinaw nitong ang mga kawani ay dapat na employed ng kumpanya as of March 1, 2020, hindi pa siya nababayaran ng employer mula noong March 1 at dapat ay hindi pa nakapag-avail ng leave at Social Security System (SSS) unemployment benefits.
Dapat din ay hindi sinibak ng kumpanya ang isang empleyado at hindi rin ito dapat na na-resign sa trabaho.
Nilinaw din ni Nograles na hindi na kasali sa unang yugto o tranche ng ayuda ang mga manggagawang nabigyan na ng one-time ₱5,000 subsidy ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP pero sa ikalawang yugto ay mabibigyan na sila ng tulong pinansyal.
5,000 habang 8,000 piso depende sa minimum wage sa mga rehiyon ang matatanggap ng mga nasa middle income wage earners.
Ang unang yugto ng pinansiyal na ayuda para sa mga middle income earners ay para sa May 1 hanggang May 15, at ang ikalawang yugto ay para sa May 16 hanggang May 30 ngayong taon.
Gagawin, aniya, ang pagbibigay ng ayuda sa pamamagitan ng SSS-UMID card ng empleyado na parang ATM, bank account number ng empleyado, quick card, Pay Maya, e-wallet at iba pang remittance money transfer.
Inaasahan namang maibibigay sa lalong madaling panahon ang pondong ito para sa middle income wage earners sa sandaling maisaayos na ang listahan mula sa SSS at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Gagawan din, aniya, ng paraan ng pamahalaan na maabutan din ng tulong ang mga middle income earners na hindi kasapi ng SSS.