ILANG MANGGAGAWA NG MGA PRIBADONG SEKTOR SA DAGUPAN CITY SASAILALIM SA RAPID MASS TESTING

DAGUPAN CITY – Sasailalim ngayong araw ang ilang empleyado ng iba’t ibang pribadong sektor sa rapid mass testing dito sa lungsod ng Dagupan. Ayon sa city government, layunin nitong matukoy kung sino-sino pa ang maaaring tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos mag-positibo ang nasa 16 na mga manggagawa ng lungsod na pawang mga front-liners at nasa kategoryang asymptomatic o iyong hindi nagpapakita ng mga sintomas. Ilan sa mga isasailalim sa nasabing mass testing ay mga market vendors, tricycle at jeep drivers, mangingisda, security guards, fast food crews, at empleyado sa bangko.

Ayon sa CHO, lahat ng makikitaan ng malaking tiyansang mag-positibo ay agad na kukuhanan ng throat swab upang sumailalim sa confirmatory test na isasagawa ng Philippine red Cross. Naniniwala ang pamahalaang panlungsod na makakabuti ang hakbang na ito upang mabigyan ng karampatang aksiyon ang maaaring idulot na panganib nito sa mas nakakarami.


Photo courtesy with PIO Dagupan City

Facebook Comments