Nakukulangan ang ilang manggagawa ng Metro Manila sa naaprubahang dagdag na ₱35 kada araw sa minimum na sahod.
Ayon sa kanila, hindi sapat ang idinagdag na halaga upang matugunan ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Nagulat pa nga nang bahagya ang ilan nang malaman ang halaga ng itataas.
Taliwas umano ito sa naunang isinusulong na ₱150 na idaragdag sa sahod.
Nananawagan naman ang mga manggagawa na kung pwede ay madagdagan pa ito, at kahit sana ay paabutin ng ₱100 ang itataas ng kanilang sahod.
Nahihirapan na umano ang karamihan sa kanila na sumabay sa pagmahal ng mga bilihin sapagkat hindi sapat ang kanilang sinusweldo.
Facebook Comments