ILANG MANGGAGAWA SA PANGASINAN, HIRIT PA RIN ANG DAGDAG SAHOD

Kasabay sa pagpupugay sa mga manggagawa nitong araw ng Paggawa o Labor Day, hirit pa rin ng ilang manggagawang Pangasinense ang dagdag sahod.
Ayon sa ilang Pangasinense, matagal na umano itong kahilingan dahil malaki ang maitutulong kung sakali sa kanilang pang araw-araw. Sa dami ng gastusin Umano at pabago-bagong inflation rate sa mga bilihin ay dapat lamang na pag-aralan na ng Pamahalaan ang taas sahod.
Nasa 200 pesos ang patuloy na pinapanawagan ngayon ng iba’t-ibang labor groups sa bansa bilang dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa.
Ilang kilos protesta rin ang Isinagawa sa bansa bilang panawagan sa pagpapatupad ng naturang panukala.
Samantala, nagpapatuloy ang pagtalakay ng dagdag sahod ng mga manggagawang Pilipino sa kamara. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments