Ilang mangingisda na umano’y nawawala matapos dumaan ang bagyong Maring, bineberipika pa

*Legazpi* – Nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng evaluation validation ng Philippine Coastguard district Bicol kaugnay sa ilang mangingisda na naitalang nawawala sa Catanduanes.

Ito ay matapos na magpatala na ang pamilya ng mga ito pagkalipas ng pananalasa ng bagyong Maring.

Panawagan ng Coastguard ng district Bicol sa mga mamamayan na kung mayroon mang napadpad sa kanilang lugar ay agad ipagbigay alam sa mga himpilan nila.


Ayon pamilya ng dalawang nawawalang mangingisda, umalis ang mga ito sa kanilang bahay dalawang araw bago pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Maring.

Facebook Comments