Pinakikilos ng grupo ng mga mangingisda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa umano’y malawakang reclamation project sa Manila Bay.
Sabi ng grupong PAMALAKAYA, sinira ng naturang reclamation project ang kanilang pinagkukunan ng ikabubuhay dahil tinatambakan nito ng mga black sand ang mga corals o bahay ng mga isda.
Sa ngayon, malaki na umano ang epekto nito sa kanilang kabuhayan at halos wala na silang mahuling isda.
Hiningi din nila sa BFAR na tumindig ito at pangunahan ang pagtutol sa ginagawang dredging at reclamation.
Agad naman silang hinarap ng kinatawan ng BFAR at nangakong magsasagawa ito ng dayalogo sa mga mangingisda para talakayin ang naturang isyu.
Facebook Comments