Balik laot na ang ilang mangingisda sa Binmaley kahapon matapos ang abot dalawang araw na tigil sa pangingisda kasunod ng masamang panahon.
Isang grupo ng mangingisda ang naabutan ng IFM Dagupan na nag-aayos ng lambat ang nagsabi na hindi nila ipinilit pumalaot noong kalakasan ng bagyo kahit hindi umano sila pinigilan ng awtoridad.
Sa kanilang pagbabalik ngayong bahagyang bumuti na umano ang panahon, hindi pa rin umano sila lumalaot sa malalim na bahagi dahil sa patuloy na pag-ulan na may kasamang hangin.
Matatandaan na walang itinaas na gale warning sa Ilocos Region noong kalakasan ng bagyong Crising ngunit pinapayuhan ang mga maliit na bangka sa posibleng lakas ng alon at hangin sa laot.
Sa kasalukuyan, kinukumpuni ng mga ito ang kanilang mga lambat bilang paghahanda sa tuloy-tuloy na pangingisda kapag tuluyang bumuti ang lagay ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









