Ilang mangingisda Sa taal lake, nangangambang mawalan ng trabaho kapag ipinatupad ang close season sa tawilis

Manila, Philippines – Nangangamba ang ilang mangingisda na mawalan ng kabuhayan kapag nagpatupad ng close season sa tawilis sa Marso o Abril.

Sabi ng ilang mangingisda, hindi sila naniniwalang endangered o nauubos na ang mga isdang tawilis.

Panawagan nila sa gobyerno, huwag ipagbawal ang panghuhuli nito dahil mawawalan sila ng kabuhayan.


Pero giit ng BFAR – endangered na talaga ang tawilis at katunayan, taong 2013 pa nila ito ginagawan ng paraan.

Tiniyak naman ng ahensya na bibigyan ng ayuda at alternatibong kabuhayan ang mga mangingisdang maaapektuhan ng close season.

Facebook Comments