ILANG MARKET VENDORS SA MAPANDAN, SINANAY SA PAGPAPALAKAS NG NEGOSYO

Sumailalim sa limang araw na pagsasanay ang 45 market vendors sa Mapandan bilang bahagi ng programang layong palakasin ang kanilang kabuhayan at operasyon sa pamilihan.

Kasabay nito, tumanggap din sila ng mga kagamitan pang-negosyo sa ilalim ng Capacity-Building Training and Tool/Equipment Distribution ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO) Mapandan.

Layunin ng programa na mapataas ang produktibidad ng mga vendor at matiyak ang mas ligtas at maayos na takbo ng kanilang hanapbuhay.

Kabilang sa mga ibinigay sa mga benepisyaryo ang first aid kits, CCTV na may monitor, megaphone, foldable tables, upuan, speaker, microphone set, at mga cellphone.

Ayon sa DOLE, makatutulong nang malaki ang mga ipinamigay na kagamitan sa pang-araw-araw na operasyon ng mga tindero.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa DOLE Regional Office 1 para sa patuloy na suporta sa mga programang pangkabuhayan sa Mapandan.

Facebook Comments