Ilang mascot sa Manila North Cemetery, kinagiliwan ng mga bata

Kahit maghapong mainit ang panahon sa Manila North Cemetery ay nag-enjoy ang mga bata at kanilang kinagiliwan ang mga mascot sa loob ng sementeryo.

Kabilang dyan si Mickey Mouse at si Jayjay ng Cocomelon na naka-costume ng halloween na itim na kapa at karit ni kamatayan.

Nagpapa-picture rin ang mga bata sa clown na si Pennywise.


Samantala, simula kaninang alas-singko ng madaling araw hanggang alas singko ng gabi ay umaabot na sa 1,015,000 ang mga nagtungo sa Manila North Cemetery.

Ngayon ay patuloy pa rin ang pasok ng mga tao sa sementeryo pero kapansin-pansin na mas marami na ang lumalabas.

Pagsapit ng alas-syete ay isasara na ang Manila North Cemetery.

Facebook Comments