Pumayag na ang apat na mataas at dating opisyal ng Philhealth na sumalang sa lifestyle check sa gitna na rin ito ng ginagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.
Ayon kay PACC Commissioner Atty. Manuelito Luna, pinakahuli sa mga boluntaryong pumayag ay si dating Philhealth Acting President and Board Member Dr. Celestina Dela Cerna.
Kahapon ay humarap si Dela Cerna kay Luna at saka rito sinabi na handa siyang lumagda sa waiver para makita ang kanyang mga bank account.
Nangako rin si Dela Cerna na maghahain ng kanyang SALN at mga kaakibat na dokumento sa lalong madaling panahon.
Bukod kay Dela Cerna, kabilang din sa pumayag na ma-isailalim sa lifestyle check ng PACC sina dating Philhealth President and Board Member Dr. Roy Benedicto Ferrer, Board Member Dr. Roberto Salvador at Region 8 Acting Senior Vice-President Arlan Granali.
At ang kanilang pag-uusapan ay patungkol sa peace and order, kriminalidad, illegal drugs at mga usapin patungkol sa pagiging responsableng mamamayan at pagmamahal sa bayan at pamilya.