Patuloy ngayong pinag-uusapan at tinututukan ng Sangguniang Bayan ng Urbiztondo ang ilang bayarin dahil umano sa taas ng mga ito ayon sa mga residente.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Vice Mayor Volter Balolong ng Urbiztondo, bago pa man umano maramdaman ng mga tax payers sa bayan ang taas ng mga bayarin ay nagkaroon muna ng proposal ang Municipal Treasury Office na taasan ang sisingiling mga buwis sa bayan ngunit nang isinagawa ang aktwal na implementasyon ay dito na naglabas ng hinaing ang mga kababayan nilang nagbabayad ng buwis.
Aniya nagkaroon din umano ng obserbasyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa bayan ay marami umano silang nakita at isa sa naging aksyon ngayon ay kanilang inilista ang lahat ng mga reklamo o hinaing ukol sa taas ng mga bayarin.
Ilan lamang sa hinaing ng mga residente ay ang taas umano ng bayarin sa Mayor’s Permit, Business Permits at marami pang iba.
Ayon pa sa opisyal, hindi umano tumitigil ang kanilang hanay na mapababa ang bayarin sa kanilang bayan dahil nauunawaan umano nila ang damdamin ng mga tax payers.
Nangako din ito na gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang hinaing ng mga residente.
Dagdag pa niya, patuloy umano na nirereview ang naturang revenue code upang makita din kung ano ang maaari nilang gawin ukol dito. |ifmdagupan
Facebook Comments