Awtomatiko na hindi aalisan ng police escort ng Philippine National Police (PNP) ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno kahit pa panahon ng eleksyon.
Ayon kay Police Security and Protection Group (PSPG) Spokesperson Police Major Jackson Cases at batay sa Commission on Elections (COMELEC) resolution, ang mga opisyal ng gobyerno na hindi inaalisan ng police escort ay ang mga sumusunod:
1. President
2. Vice President
3. Senate President
4. Speaker of the House
5. Chief Justice of the Supreme Court
6. Comelec Chairman at Commissioners
7. Secretary of National Defense
8. Secretary of DILG
9. AFP Chief of staff at
10. PNP Chief
Samantala, simula sa January 2, 2022 ay iiral sa buong bansa ang gun ban, ibig sabihin ay suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence.
Sinabi ni Major Cases, ang maaari lamang magbitbit ng baril ay ang mga indibidwal na may letter of authorization mula sa COMELEC.
Maging ang mga pulis aniya ay bawal magbitbit ng baril kung hindi naka-duty at nakasuot ng uniporme.