Manila, Philippines – Kumpirmadongdadalo ang ilang world leader para sa prosperity summit ng Association of SoutheastAsian Nations o ASEAN Business Advisory Council.
Ito ay kinabibilangannina Malaysian Prime Minister Najib Razak at Thai Prime Minister PrayutChan-O-Cha.
Posible ring dumalo sasummit si Vietnam Prime Minister Nguyễn Xuân Phúc.
Bukod sa mga lider,dadalo rin sa summit ang mga business leader at innovators ng ASEAN region.
Magsisilbi namangkinatawan ng Pilipinas si Vice President Leni Robredo sa summit na gaganapin saApril 28 sa isang Casino Resort sa Parañaque City.
Magiging speaker rin sasummit si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Nabatid na layon ngnasabing summit na palaguin ang mga maliit na negosyo.
Pangulong rodrigoduterte, makikipagpulong kina Brunei Sultan Hassanal Bolkiah at IndonesiaPresident Joko Widodo
Nakatakdang magkaroon ngbilateral meeting sa susunod na linggo si Pangulong Duterte kina Brunei SultanHassanal Bolkiah at Indonesia President Joko Widodo.
Ayon kay ASEAN 2017 NationalOrganizing Council (NOC) Director General for Operations Marciano Paynor, angmeeting ng pangulo sa lider ng Brunei ay gagawin sa Abril 28 at sa Abril 29 angsa lider ng Indonesia.
Maging ang lider aniyang Laos ay nag-request na rin na magkapag-courtesy call kay Duterte.
Makakasama rin ni Dutertesi Widodo sa paglulunsad ng Davao-General Santos-Bitung roro sea linkage routesa Abril 30 sa Davao.
Magsasagawa rin angpangulo ng isang gala dinner para sa mga lider ng Association of SoutheastAsian Nations (ASEAN).
Ang 10 lider aymagmi-meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) atmagkakaroon ng retreat sa coconut palace.
Kasabay nito, tiniyak niPaynor na mas magiging mahigpit ang seguridad matapos maka-engkwentro sa Bohol ngmga sundalo ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Ilang matatas na lider, kumpirmadong dadalo sa prosperity summit sa susunod na linggo
Facebook Comments