Media personality, nag-file ng candidacy sa QC

Naghain na ng kandidatura ang isang media personality para sumabak sa darating na halalan.

Tatakbong konsehal ng unang distrito ng Quezon City ay ang beteranong TV reporter na si Doland Castro ng ABS-CBN.

Si Doland Castro ay 20 taon TV reporter ng ABS-CBN kung saan nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglilingkod sa bayan sa ibang larangan.


Ayon kay Doland Castro, kung papalarin na manalo bilang konsehal, isa sa kaniyang mga programa ay ang ayuda pangkaalaman at kabuhayan, katuwang ang TESDA, Kapatrol Call Center program at iba pa na pakikinabangan ng taongbayan.

Napabilang sa Partidong Aksyon Demokratiko si Castro na kapartido ni Manila Mayor Isko Moreno.

Facebook Comments