Ilang menor de edad, nasampolan sa ipinatutupad na curfew sa Marikina

Hinikayat ng Marikina local government unit (LGU) ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga menor de edad lalo sa gabi.

Kasunod na rin ito ng pagkakahuli sa ilang menor de edad na lumabag sa curfew hours na mahigpit na ipinatutupad sa lungsod.

Sa ordinansa ng lungsod, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas o paglagi ng mga menor de edad sa mga pampublikong lugar mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Maliban na lamang kung may kasamang guardian o may lehitimong dahilan ang paglabas ng isang minor.

Una nang ipinag-utos ni Marikina Mayor Maan Teodoro na mas paigtingin ang mga ordinansang naglalayong tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng lungsod.

Facebook Comments