ILANG METRONG BUHANGIN NA INANOD SA LINGAYEN BAYWALK, PATULOY NA INAALIS

Patuloy ang clearing operations sa bahagi ng Capitol Beachfront sa Lingayen Baywalk upang alisin ang ilang metrong kapal ng buhangin na inanod ng malakas na storm surge na dala ng bagyong Uwan.

Gamit ang mga heavy equipment, patuloy ang pag-alis sa mga sobrang buhangin upang muling maibalik sa normal ang paligid ng baywalk.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, kabilang sa mga natabunan ang kilalang “See Pangasinan” landmark, na halos kalahati na lamang ang nakikita matapos ang bagyo.

Samantala, ilang residente sa mga coastal barangays sa Lingayen ang umaapela online na gamitin ang naimbak na buhangin bilang ‘tambak’ o ‘tabon’ sa mga bahaing lugar na nangangailangan nito.

Kaugnay nito, patuloy naman ang malawakang clearing operation sa pinsalang iniwan ng bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at mapabilis ang rehabilitasyon sa mga apektadong lugar sa baybaying bahagi ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments