Ilang mga abogado at dating opisyal ng pamahalaan, naghain ng petisyon sa Korte Suprema kontra hinggil sa nagastos na confidential funds ni VP Sara Duterte

Nagtungo sa Korte Suprema ang ilang mga abogado at ilang mga dating opisyal ng pamahalaan para maghain ng petisyon hinggil sa isyu ng confidential funds ng Office of the Vice President.

Ilan sa mga naghain ng petisyon ay sina Atty. Christian Monsod, Atty. Barry Gutierrez, dating Finance Sec. Dr. Cielo Magno, dating Comelec Commissioner Gus Lagman, Atty. Katrina Monsod at Atty. Ray Paolo Santiago.

Isa sa mga hiling ng mga naghain ng petisyon ay atasan ng Korte Suprema na ibalik ni Vice President Sara Duterte ang P125 milyon na confidential funds na ginastos ng kaniyang tanggapan noong 2022.


Giit pa ng petitioners, maituturing na unconstitutional ang paglilipat ng pondo sa Office of the Vice President lalo na’t hindi naman ito para sa proyekto ng gobyerno kung saan malinaw na pagpapakita ito ng “usurpation of power” ng Kongreso.

Paliwanag ni Atty. Santiago at Atty. Barry, hindi dumaan sa tamang proseso ang confidential funds ni VP Sara.

Hindi din daw malinaw kung saan at papaano nagamit ang P125 milyon na pondo kaya’t nais nilang marinig ang paliwanag kung paano ito nagastos.

Facebook Comments