Ilang mga abugado, dumulog sa Korte Suprema para pa-imbestigahan ang mga patayan sa drug war

Manila, Philippines – Hiniling sa Korte Suprema ng ilang abugado na atasan ang mga ahensya ng gobyerno para imbestigahan ang lahat ng mga pagpatay sa giyera kontra droga.
Tinukoy ni Atty. Evalyn Ursua sa kanyang petition for mandamus bilang respondents sina: PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon.

Ayon sa petitioners, hindi ginagampanan ng mga respondent ang kanilang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas para pigilan ang mga paglabag sa right to life at ang mga lumalabag dito.

Kabilang din sa petitioners sina: Atty. Mary Jane Real, Atty. Maria Lulu Reyes, Atty. Joan Dymphna Saniel at Anna May Baquirin.


Facebook Comments