Maayos na natapos ang isinagawang flag raising at wreath laying ceremony sa Luneta Park.
Ito’y kaugnay sa ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Pinangunahan ang aktibidad ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang unang pamilya kung saan nagsimula ito bago mag-alas-8:00 ng umaga at natapos makalipas ang 20 minuto.
Halos lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay dumalo sa seremoniya kabilang ang pambansang lakas, mga diplomat at iba pang ahensiya.
Kaugnay nito, mahigpit na seguridad pa rin ang ipinapatupad ng Manila Police District katuwang National Capital Region Police Office dahil sa mga inaasahang kilos-protesta.
Buong maghapon din iikot ang mobile, motorcycle at foot patrol ng pulisya para masiguro na magiging payapa at maayos ang rally ng iba’t ibang grupo.