Ilang mga aktibidad sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day, isinasagawa sa Maynila

Kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes’ Day sa buong bansa, ilang aktibidad ang isinasagawa ngayong ng lungsod ng Maynila.

Kabilang dito ang wreath laying ceremony ng mga tauhan at opsiyal ng Manila Police District o MPD.

Kaugnay niyan, nagpapa-alala ang pamunuan ng MP sa kanilang mga tauhan na gawin ng maayos ang kanilang trabaho.


Sa pahayag ni Police Col. Raul Tacaca ang Deputy District Director for Admin ng MPD, gawin sanang inspirasyon ng bawat pulis ng Maynila ang mga nagawang kabayanihan ng mga nagtanggol sa bansa para makuha ang kapayapaan at kaayusan.

 

Aniya, bagama’t aminadong mahirap, bahagi naman daw ng sinumpaan nilang tungkulin ang ipagtanggol ang bansa gayundin ang bawat mamamayan.

Kasama ni Tacaca sa wreath laying ceremony si Police Col. Arnold Tomas Ibay ang chief ng District Directorial Staff ng MPD.

Matapos nito, isinagawa rin ang 21-gun salute bilang pagbibigay pugay sa mga bayani ng bansa gayundin ang mga tauhan at opisyal na nagbigay parangal at pagkilala sa MPD.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes’ Day, mayroong free guides tour ang pamunuan ng Intramuros sa mga turista na nais mag-ikot o mamasyal para makita ang kagandahan at mga historical marks sa loob ng Intramuros.

Mismong ang mga tauhan ng accredited tour guides services cooperative ang sasama sa mga turista para malaman ang ilang impormasyon sa loob ng Intramuros partikulat ang sikat na Fort Santiago.

Facebook Comments