Ilang mga aktibista, nagkasa ng protesta para ipanawagan ang pagpapalaya ng kanilang mga kasama

Nagkasa ng protesta ang ilang mga aktibista.

Ito’y upang kanilang ipanawagan na palayain ang kanilang mga kasamahan na sina Cora Agovida at Michael Tan Bartolome na ikinulong dahil sa kanilang pulitikal na paninindigan.

Mula post office ay nagbisikleta ang grupo patungong Manila City Hall kung saan dinidinig ang kaso ng mag-asawa sa Regional Trial Court Branch-19.


Nabatid na ngayong araw ang nakatakdang promulgasyon ng mag-asawa pero naniniwala nag grupong Kapatid na wala silang kasalanan.

Giit nila na ang mga nakuhang baril at granada sa kanilang tahanan sa Maynila ng ito ay sinalakay ng mga pulis habang sila ay natutulog ay isa lamang uri ng pagtatanin ng ebidensiya.

Napag-alaman ang search warrant ay inilabas ni Quezon City Judge Cecilyn Burgos-Villavert kung saan matapos ang pag-aresto sa mag-asawa ay sunod-sunod na ring dinakip ang ilan nilang kasamahang aktibista sa inilabas na warrant ng nasabing hukom.

Si Cora ang siyang tagapagsalita ng Gabriela Metro Manila habang si Michael ay education officer ng KADAMAY Metro Manila.

Bunsod nito, nananawagan sila sa Manila Regional Trial Court Branch-19 na mabigyang konsiderasyon ang kaso ng mag-asawa lalo na’t hindi makatarungan at walang basehan ang pagpapatupad ng mga warrant na inilabas laban sa kanila.

Facebook Comments