ILANG MGA APEKTADONG BUSINESS ESTABLISHMENT NG PROYEKTONG PAGPAPATAAS NG KALSADA SA DAGUPAN CITY, IKINOKONSIDERA ANG PAGLIPAT UMANO NG LUGAR

Kinokonsidera ng ilang mga Dagupeno partikular ang mga apektado sa konstruksyon ng pagpapataas ng kalsadahan ang paglipat umano ng lugar kung tuluyang hindi makapagpatuloy sa pagnenegosyo ang mga ito.
Napatunayan ang mga pahayag sa nagdaang naganap na public consultation kung saan ilan sa kanilang kinokonsiderang paglipatan ay sa mga bayan umano ng Mangaldan at Calasiao.
Ilang mga negosyo rin ang pansamantalang sarado muna at hindi tiyak kailan manunumbalik ang mga ito sa kanilang paninda.

Samantala, matatandaan na malapit ng matapos ang road elevation sa bahagi ng AB Fernandez at nadadaanan na rin ng mga motorist. Mayroon na ring NTP o Notice to Proceed ang proyekto sa sunod na phase nito sa bahagi ng Perez Blvd. at MH Del Pilar St.
Bahagi pa rin ang nasabing proyekto sa isang nakikitang solusyon upang maibsan umano ang pagbaha sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments