Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga apektadong Dagupeño ng nararanasang pagbaha ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS.
Mula ang mga benepisyaryo sa mga Barangay ng Pogo Grande, Lasip Grande, Bacayao Norte at Tapuac sa lungsod.
Matatandaan na patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng financial assistance sa mga apektadong Dagupeno dahilan ang patuloy na nararanasang pagbaha bunsod ng pag-ulan dahil sa Habagat at mga nagdaang bagyo gayundin ang pag-apaw ng Sinucalan River.
Pinangunahan ang nasabing tulong ng 4th District Representative ng Pangasinan sa senador mula sa nasyonal na gobyerno at ahensyang DSWD.
Samantala, sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng pagbaha ang ilang mga kabahayan maging mga main roads at ilang mababang bahagi sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments