Manila, Philippines – Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines ng matataas na uri ng armas at bala mula sa US para sa kanilang pakikipaglaban sa mga terorista tulad ng Maute Terror Group.
Ilan sa mga armas na nai-turn over sa AFP ay ang 1,040 rocket motors, 992 piraso ng rockets para sa mga air assets ng Philippine Air Force, 1,000 grenade launchers at 250 piraso ng rocket-propelled grenade launchers na matatanggap ng Philippine Army.
Samantala, kasama rin dito ang dalawang patrol aircraft para sa ang technical assistance ng US sa militar na siyang kabilang din sa ipinangako sa mutual logistic support agreement nito sa AFP.
Nauna rito, tumanggap na ng mga sniper’s rifles, pistols at iba pang military supplies ang Philippine Marine mula sa US government noong nakalipas na buwan ng Mayo.
Ayon sa US embassy, nananatiling kakampi ng kanilang bansa ang Pilipinas sa giyerna kontra sa terorrismo.