Ilang mga bahay sa Baseco, nasira dahil sa bagyo; Ilang pamilya, inilikas

Inilikas na ng lokal na pamahalan ng Maynila ang ilang mga residente ng Baseco Compound.

Partikular ang malapit sa dalampasigan ng Manila Bay kung saan nasa 10 pamilya ang dinala sa evacuation center.

Bagama’t walang pagbaha na naitatala, sobrang lakas naman ng alon kaya’t lumalagpas na ito ng sea wall.


Agad na inilikas ang mga pamilya para na rin sa kanilang kaligtasan kung saan patuloy silang inaalalayan ng lokal na pamahalaan.

Ang ibang pamilya naman ay nawalan ng tirahan at wala ring nakuhang mga gamit matapos masira ang kanilang bahay pero hindi sila nagtungo ng evacuation centers.

Sa sobrang lakas ng alon, bumaha na sa bahagi ng Block 17 malapit sa sea wall ng Baseco Compound.

Facebook Comments