Manila, Philippines – Pinayagan na ng Armed Forces of Philippines (AFP) ang halos 300 bakwit na bumalik sa kani-kanilang mga tirahan.
Binigyan ng tropa ng militar ng entry pass ang nasabing bilang ng bakwit para kumuha ng kanilang mga gamit, ngunit pagdating ng mga ito sa kanila-kanilang mga tahanan ay halos magulo na at halatang pinasok ng mga armadong lalaki.
Ayon sa mga bakwit, may mga nawawala silang mga gamit kung saan ilan sa kanilang mga ari-arian ay nilimas ng mga magnanakaw.
Dagdag pa nila, halos hindi na rin nila makikilala ang kanilang mga tahanan dahil sa pinsala ng airstrike .
Kaugnay nito, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Marawi sa militar, papayagan na rin ang mga bakwit sa mga katig-bayan ng Marawi malapit sa Lake Lanao na makauwi na sa kanilang mga tahanan kung saan bibigyan sila ng safe conduct pass.
Ilang mga bakwit sa Marawi, pinayagan ng umuwi
Facebook Comments