Hirap ngayon sa paghaharvest ng magagandang klase ng bangus ang mga bangus growers sa Dagupan City dahil sa patuloy na buhos ng ulan.
Hirap ang mga bangus growers sa pag-aalaga ng mga bangus dahil sa pabago bagong klima ng tubig sa kanilang mga fishpond kaya nagsisimatayan ang mga isda.
Dahil rin umano sa patuloy na bagsak ng ulan, dumadaloy ang putik na nagmumula sa palayan pababa sa mga fishpond kung kaya’t isa rin ito sa dahilan ng pagkamatay ng mga isda bukod sa fishkill.
Bumaba rin umano ang pagkuha sa kanila ng mga bangus na kanilang inaangkat sa wet market kung saan 170 pesos ang kuha sa oversize sa ngayon.
Umaasa ang mga fish growers na manunumbalik muli ang sigla ng kanilang paghaharvest ng isdang bangus sa oras na tumigil na rin ang buhos ng ulan. |ifmnews
Facebook Comments