Ilang mga barko ng Philippine Coast Guard, inihahanda na para sumali sa pinakamalaking Balikatan Exercises

Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa Coast Guard Fleet nila na ihanda ang anim na barko para sumabak sa 39th Iteration ng annual “Balikatan Exercise” na gagawin sa Lunes, April 22, 2024.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasali ang Coast Guard sa “Balikatan Exercise.”

Kabilang sa mga gagamitin ng PCG sa Balikatan Exercises ay ang apat na 44-meter multi-role response vessels at ang dalawang malaking patrol vessels.


Ang mga nasabing barko ang regular na ginagamit sa maritime security operations ng exclusive economic zones (EEZ) ng bansa.

Inatasan na rin ng PCG ang mga miyembro ng Coast Guard Special Operations Force na lumahok sa joint interoperability exercises.

Maliban sa PCG, kasama ring sasali ang Philippine Navy at kanilang mga counterparts mula Australia, France at U.S.

Facebook Comments