
Bilang hakbang upang maiwasan ang pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila, patuloy ang Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa paglilinis sa mga creek, estero, kanal at drainage.
Isa sa isinagawa nilang paglilinis ay sa kanto ng Burgos at Natividad Lopez Streets malapit sa Manila City Hall.
Apat na box culvert ang binuksan kung saan aabot sa 74 sako ng burak at basura ang nahakot.
Ang mga ito ay nakitang nakabara sa drainage system na dahilan kung bakit nakararanas ng pagbaha sa nasabing lugar.
Muling umaapela ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa publiko na iwasan ang pagtatapon ng basura at kung maaari ay ibulsa o ilagay sa bag ang malilit na plastic mula sa pinagkainan gayundin ang mga pinaglagyan ng tubig.
Facebook Comments









