Ilang mga Batang RT, Batang Tatak DZXL sa Valenzuela at Caloocan City, todo pasasalamat sa mga sayang hatid ng DZXL Radyo Trabaho at RMN Networks

Nasa 15 mga bata mula sa Valenzuela at Caloocan City ang maswerteng nakatanggap ng mga give away mula sa DZXL Radyo Trabaho at RMN Networks.

Bahagi ito ng Radyo Trabaho Gift Giving Activity kung saan layunin ng ating aktibidad na matulungan at mabigyan natin kahit sa simpleng paraan ang mga batang lansangan ng kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ilan sa mga batang napasaya natin ay mula sa Brgy. Gen. T. De Leon, Karuhatan, Marulas, Ugong at Brgy. Malinta sa Valenzuela City.


Nagtungo rin tayo sa Brgy. 17, 18, 28 at Brgy. 5 sa Caloocan City.

Karamihan sa mga bata ay kasama ang mga magulang mula sa panganggalakal at pagtitinda sa lansangan.

Bagama’t may ilang bata ang umiiwas pero ang ilan na nakasalamuha natin ay nakatanggap ng exclusive radyoman t-shirt, customized DZXL face mask at pasalubong bundles mula sa DZXL Radyo Trabaho AT RMN Networks.

Todo pasasalamat naman ang mga bata gayundin ang kanilang mga magulang lalo na’t ang mga anak nila ngayon ay isa na sa mga Batang RT – Batang Tatak DZXL.

Ito ang unang araw ng pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho team kung saan bukas, tutungo naman tayo sa lungsod ng Maynila, Muntinlupa, Las Pinas, Paranaque, Pasay at San Juan.

Facebook Comments