Sinuspinde na ng mga lokal na pamahalaan ng ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan ang klase sa parehong publiko at pribadong mga paaralan sa kanilang mga nasasakupan bunsod ng nararamdamang epekto ng Bagyong Egay at pagsasailalim sa Pangasinan sa Signal No. 1.
Ilan lamang ang mga bayan ng Calasiao, Binmaley, Basista at lungsod ng Dagupan ang nauna nang nagdeklara ng suspension of classes sa kanilang mga bayan at lungsod dahil na rin ganap nang Super Typhoon si Egay at nakakaranas ng pag-ulan at pagbugso ng hangin ang lalawigan na possible namang magdulot din ng mga pagbaha.
Sa Dagupan City, suspendido ang klase mula kahapon hanggang ngayong araw, gayundin sa bayan ng Calasiao.
Alinsunod dito, pinapayuhan ang publiko na manatili sa kani-kanilang mga tahanan nang maging ligtas at sisiguraduhin ang mga paghahanda at pagiging alerto laban sa mga epekto ng bagyo.
Antabayanan pa ang iba pang announcement kaugnay sa suspension of classes sa iba pang bayan at lungsod sa Pangasinan. Maaari ring makibalita sa mga Facebook pages ng inyong mga lokal na pamahalaan at iba pang mga line agencies. |ifmnews
Facebook Comments