Inihayag ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na muling nagpositibo na naman sa Red Tide Toxin ang ilang baybayin sa Western Samar at Palawan at ilang lugar sa Visayas.
Base sa isinagawang laboratory result ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Local Government Units (LGUs), ang mga lamang dagat na nakukuha sa San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; coastal waters ng Dauis and Tagbilaran City sa Bohol; at Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental ay nanatiling positibo ng tinatawag na paralytic shellfish poison na lampas sa isinasaad ng regulatory limit.
Gayundin ang Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan; Maqueda, Irong-irong, Silanga at Cambatutay Bays sa Western Samar ay positibo ngayon ng red tide toxin.
Pinayuhan ng BFAR ang mga mangingisda at publiko na huwag kumuha ng mga lamang dagat na nanggagaling sa naturang mga lugar dahil sa red tide toxin.