Ilang mga bilihin sa Pasig Mega Market, tumaas bago ang bisperas ng Pasko

Tumaas ng 30% hanggang 50% ang ilang mga bilihin sa Pasig Mega Market ngayong holiday season.

Ayon kay John Kimbo, Price Monitoring Officer ng Pasig Mega Market, normal lang naman na tumaas ang mga bilihin tuwing sasapit ang Pasko.

Pero aniya, ngayong taon ay sinabayan ng lockdown kaya ang mga agricultural product na pahirapan ang pag-deliver ang naging dahilan para maapektuhan ang presyo nito.


Ilan sa mga tumaas ang presyo ngayon ay ang gulay mula P180 ang presyo kada kilo, ngayong nasa P200 na ito.

Tumaas din ang presyo ng karne, mula P280, ngayon nasa P330 na ito.

Mataas pa rin ang bentahan ng sili kung saan aabot ito mahigit isang libo kada kilo.

Facebook Comments