ILANG MGA BOTANTE SA DAGUPAN CITY, MAS KINIKILATIS NA ANG MGA KANDIDATONG TUMATAKBO NGAYON PARA SA BSKE 2023

Mas kinikilatis ngayon ng ilang mga botante sa Dagupan City ang mga tumatakbo para sa Barangay at SK elections 2023 sa kani-kanilang mga barangay lalo at papalapit na ang mismong botohan.
Ayon sa ilang mga botante gaya sa mga Island Barangays, mas tinitignan nila ngayon ang mga dating accomplishments na nagawa ng mga tatakbo muli sa posisyon nang sa gayon ay maipagkumpara kung karapat-dapat ba silang iboto muli.
Mga credentials naman ang tinitignan ng mga kabataan sa mga bagong mukhang kanilang nakikita na tumatakbo sa pagka-SK Chairman at Kagawad.

Mas gusto rin umano nila na mas pinalalakas dapat ng mga kumakandidato ang kanilang mga malilinaw na plataporma at plano sa barangay kesa sa pangalan lamang ang inililibot.
Hiling din ng mga ito ang maayos na kompetisyon sa politika at wala sanang maruming paraan ng pangangampanya para sa seguridad nila bilang bahagi ng komunidad at bilang botante.
Samantala, matatapos naman ang campaign period ng mga kumakandidato sa BSKE 2023 sa October 28, 2023 at sa October 30, 2023 naman ang araw ng botohan. |ifmnews
Facebook Comments